Isa bawat angkan, pagbigyan ang ibang mamamayan
Ang pulitika ay hindi negosyong itinatag para sa pamilya at lalong hindi ito isang kaharian na maaaring ilipat sa iba. Hindi namamatay ang isyung Politikal Dinastiya sa Pilipinas dahil madali lang sa kabila ang paikutin and buhay politika at ang ating ekonomiya.
Ang mga matataas na posisyon sa gobyerno ay pinaghaharian at sinusoportahan pa rin ng mga kilalang angkan sa Pilipinas sapagkat sila'y mayayaman at maimpluwensiya. Bagatmat nasa ating mga kamay ang kanilang kapalaran dahil ang isang boto, pag pinagsama-sama ay sobrang halaga.
Ang mga matataas na posisyon sa gobyerno ay pinaghaharian at sinusoportahan pa rin ng mga kilalang angkan sa Pilipinas sapagkat sila'y mayayaman at maimpluwensiya. Bagatmat nasa ating mga kamay ang kanilang kapalaran dahil ang isang boto, pag pinagsama-sama ay sobrang halaga.
Ang pamilyang ito ay nagmula pa sa Tarlac. Sila ay madalas tignan bilang kalaban ng pamilyang Marcos. Naging maingay ang apelyidong Aquino dahil sa angking galing sa pulitika ni Ninoy. Ang husay nito'y hanggang sa ngayo'y pinatutunayan ng anak na naging pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino. Hindi man natupad ang ninanais na maging presidente ng bansa si dating senador Ninoy, ang kanyang asawa naman ang pumalit. Si dating pangulong "Corazon Aquino", kilala sa buong mundo bilang makabagong ina ng demokrasya.
Isa sa mga kilalang politikal na dinastiya sa Pilipinas. Nagsimula ang dinastiya kay Mariano Marcos, isang abugado mula sa Ilocos Norte na naging miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1925. Ang Ilocos ay nananatili bilang pampulitika na tanggulan ni Marcos ngayon. Sa paglipas ng panahon ang pangalang Ferdinand "Bong bong" Marcos Jr. ay nagbalik sa bansa upang pagsilbihan muli ang kanyang bayan. Pagkatapos niyang maging parte ng Congress, siya ay tumakbo bilang Gobernador ng Ilocos Norte kung saan siya ay nanalo at nagsilbi ng tatlong termino. Isa pang miyembro ng pamilya Marcos na sumabak sa pulitika ay si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos o mas kilalang "Imee Marcos" ang panganay sa mga anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos na siyang kasalukuyang gobernador ng Ilocos Norte.
Si Vice President Jojo Binay ay nanungkulan sa Lungsod ng Makati bilang alkalde mula taong 1986 hanggang 1998 at muli noong 2001 hanggang 2010. Siya ang kauna-unahang opisyal ng lokal na pamahalaan na nahalal bilang pangalawang pangulo. Sa pamumuno niya, maayos at maganda ang Makati na ngayo’y pinamumunuan na ng kanyang pangatlong anak na si Mayor Junjun Binay at ni Abigail Binay na kumakatawan sa 2nd District ng Makati.
Sa pagkamatay ni Rene Cayetano, humalinhin sa kanya ay ang kanyang anak na si Pia Cayetano, kasalukuyang senador. Katulad ng kanyang ama siya ay nahimok din sumabak sa politika at siya ay tinanghal na kauna-unahang pinakabatang babae sa senado. Kasama din ni senador Pia and kanyang kapatid sa senado na si Alan Peter Cayetano. Hindi din magpapahuli sa larangan ng politika ang asawa ni senador Alan Cayetano na si Maria Lopez-Cayetano, mas kilalang Lani Cayetano. Siya ang kasalukuyang mayor ng Taguig. Susubok ulit sa ikalawang pagkakataon ang bunsong anak ni Rene na si Lino Cayetano, nauna siyang naging Barangay Chairman sa Taguig noong 2010 at ngayon kumakandidato siya bilang Congressman sa ikalawang distrito sa bayan ng Taguig.
Ilan lamang sina Aquino, Marcos, Binay, at Cayetano sa napakahabang listahan ng mga pamilyang nasa pulitika, nasyonal man o lokal na pamahalaan. Sa aking nakikita sa ating bayan, ang naihahalal lang ay iyong mga taong sikat na paulit ulit biniboto ng tao dahil sila ay mabango sa buhay politika o pasikatan na ang labanan ng mga tao ngayon. May mga ibang tumatakbo sa eleksiyon na bumibili na ng boto para sigurado na itong manalo, karamihan sa mga gumagawa ngayon nito ay ang mayayamang pamilya, ginagawa rin nilang pasahan ang termino para wala ng maupo sa kanilang pwesto. Hindi ako pumapayag sa ganitong gawain dahil sa aminin man natin o hindi, kailangan ng palitan ang kaning pananakbo at humalal na ng bago para mabigyan naman ng pagkakataon ang ibang nagnanais tumakbo na ipakita ang kanilang sarili sa mga tao. Kase kung patuloy na sila at sila lng ang tumatakbo, lalong yumayaman ang kanilang pamilya at nauuwi na wala ng silbi ang paparating na eleksiyong kung laging alam na ang mangyayari. Tandaan, na ang eleksyon ay halalan para sa pagpili sa nararapat manalo at sa nararapat na kandidato na umupo sa posisyon.
Dapat tignan kung ipinagpapatuloy ng magkakapamilya ang maganda nilang nasimulan o ginagawa nalamang nila iyon para sa kayamanan at posisyon. Dapat nating isipin itong mabuti sapagkat ito ang magaahon satin sa kahirapan at magpapasya sa pag-unlad ng ating bansa. Maraming gustong buwagin ang dinastiyang ito ngunit sadyang makapangyarihang ang mga taong ito dahil hindi sila nabubuwag-buwag at lalo pa silang dumadami. Sayang at hindi nabibigyan ng pagkakataon ang iba na makapaglingkod ng matino upang maisasakatuparan ang maganda nilang adhikain para sa bayan.